Towards a Rizal model of governance

Dr. José Rizal (1861-1896) was a “Filipino nationalist, novelist, poet, ophthalmologist, journalist, and revolutionary…, widely considered as one of the greatest heroes of the Philippines” (from Wikipedia). This post, non-verbatim, formed part of the requirements for Philippine Institutions 100 (Life and Works of Rizal) under Dr. Ma. Crisanta Flores, First Semester AY 2014-15.

This post is intended to be in a perpetual work in progress, to be revised as new details and interpretations of Rizal emerge.

This post initially appeared on the 118th anniversary of Rizal’s martyrdom (1896), 30 December 2014.

From his life and writings, and the subsequent interpretations of these by various scholars and writers, three models of governance can be attributed to Dr. Rizal. For the sake of discussion, “governance” here is defined as the relationship between the state, the private sector, and civil society.

In his essay “Elias: The Ethics of a Revolution”,  Adrian Cristobal wrote, “There is only one acceptable society: founded on the dialogue between man and the state, between authority and freedom.” This implies a harmonious relationship between the ruler and the ruled,. Cristobal added that the absence of this dialogue justified a revolution, “…it must be made to exist. Ergo: Revolution.”

Renato Constantino paints Rizal as a limited Filipino, limited primarily by his social class, in his seminal essay “Veneration Without Understanding.” He argued that the reformists including Rizal “wanted accommodation within the existing system,” quoting a portion of Rizal’s letter to Blumentritt:

….under the present circumstances, we do not want separation from Spain. All that we ask is greater attention, better education, better government employees, one or two representatives and greater security for our persons and property. Spain could always win the appreciation of the Filipinos if she were only reasonable!

This reading of Rizal implies that his model of governance is state-centered, with reforms coming from above. The ruled in turn are passive or at most active only in seeking for reforms. Constantino wrote, “…[Rizal] instinctively underestimated the power and the talents of the people [in condemning the Revolution],” rooting this to his ilustrado background.

Floro Quibuyen goes against Constantino’s view of Rizal in his book Rizal: A Nation Aborted (While not from the book exactly, Quibuyen’s arguments on Rizal can be read here). He states that the premises used by Constantino and the prevailing Rizal orthodoxy stems from faulty interpretations of the national hero (as being “merely a reformist”) that can be traced to Wenceslao Retana and Trinidad Pardo de Tavera and perpetuated by the Americans to justify their rule over the Philippines in the early 1900s. Quibuyen asserts that the documentary evidence and statements of Rizal’s contemporaries show that Rizal was a revolutionary. Quibuyen rebuked Constantino for omitting the portion before the letter to Blumentritt quoted above, which reads:

A peaceful struggle shall always be a dream, for Spain will never learn the lesson of her South American colonies. Spain cannot learn what England and the United States have learned. But, under the present circumstances, we do not want separation from Spain. All that we ask is greater attention, better education, better government employees, one or two representatives and greater security for our persons and property. Spain could always win the appreciation of the Filipinos if she were only reasonable!

For Quibuyen, this meant Rizal was no longer interested in petitioning Spain for reforms in the Philippines, foremost of which included freedom of the press and representation in the Spanish parliament. Rather, Rizal believed that revolution was not a question of if but that of when.

With regard to Rizal’s model of governance, Quibuyen explicitly states in chapter 6 of Rizal: A Nation Aborted that Rizal favored a nation-as-civil society against the nation-state. The nation Rizal envisioned, according to Quibuyen, was not rooted on the principle of sovereignty (which eradicated the political obligation of the ruler to the ruled, resulting in vox imperium, vox populi) but instead on the principle of vox populi, vox Dei (where the state is obliged to ensure that the people reach their self-fulfillment, and that the people have the duty to keep the state in check). This nation is rooted on the basis of a shared language and culture (rather than descent) and on principles of justice and equality. Quibuyen traces this to the works of German philosopher Johann Gottfried Herder, to the Judeo-Christian tradition from which Rizal was not able to distance himself, and in practice to the aims of his failed Sandakan project and the Liga Filipina, and Rizal’s community in Dapitan.

Quibuyen’s interpretation of Rizal may also be linked to Father John Schumacher’s reading of the Noli me tangere. In his essay “The Noli Me Tangere as Catalyst of Revolution”, Schumacher said, “[Rizal’s] revolutionary goal was to create a nation of Filipinos conscious of their human and national dignity and ready to sacrifice themselves to defend it.” Thus, the people are active participants in this model of governance, winning freedom by deserving it, by “sacrificing and working” (in the words of Padre Florentino in the Fili).

In summary, the models of governance that can be linked to Rizal involves: 1) harmony between all players; 2) opposition, with the state above civil society and the private sector; and 3) opposition, with the civil society and the private sector above the state.

Advertisements

Sulit Ba ang Stored Value?

Ipinasa ang sanaysay na ito para sa Filipino 25 sa ilalim ni Propesora Luna Sicat Cleto noong Tag-init 2013.

—–

Pila sa Guadalupe station, Ika-6 ng Pebrero, 2013

Pila sa Guadalupe station, Ika-6 ng Pebrero, 2013

fuckyeahemirSafety reminders po. Manatiling nakahawak sa mga safety handrail. Iwasang sumandal sa magkabilang pintuan. Magbigay ng upuan sa mga buntis, mga senior citizen, mga disabled, at may mga kasamang bata. Mag-ingat na rin po sa mga mandurukot. Maraming salamat po.”EDVM

fuckyeahemirAraw-araw yang naririnig ng mga mananakay ng Metro Rail Transit Line 3, o ang MRT para sa karamihan. Pero kapansin-pansin ring hindi nasusunod ang mga ito. Hindi naman lahat ay nakakahawak sa mga safety handrail. Sumasandal rin naman sa mga pintuan ang mga pasahero, para madaling makalabas ng tren pagkahinto pa lang sa destinasyon. Karamihan naman ng mga nakaupo ang hindi buntis, senior citizen, mga disabled, at may mga kasamang bata. Tila ipinagkikibit-balikat na lang ang mga babalang iyon o hindi lang sila marinig, lalo na ng mga may pasak na earphones sa tenga. Nakakasawa na rin naman, gaya ng ilan pang mga ritwal na pinagdadaanan ng bawat mananakay sa bawat pagsakay sa tren na tinatakbo ang EDSA.EDVM

fuckyeahemir“Bakit nga ba nag-e-MRT yung mga kababayan natin? Kasi sulit yung pamasahe, mabilis na, hindi ka pa makukunsume sa trapik,” sabi ng isang mamamahayag sa telebisyon. Pero masasabi nga bang sulit ang pamasahe sa MRT? EDVM

DI NA KAYA PERO KINAKAYA PA RINemir

fuckyeahemirNang pinaplano ang MRT, tinayang aabot sa 350,000 katao ang gagamit nito kada araw. Ginamit ang pagtatayang ito sa pagbili ng mga tren na tumitigil at nagsasakay ng mga mananakay ngayon. Subalit, noong 2012, humigit kumulang na 500,000, o 140% ng kapasidad ng MRT, ang sumasakay dito sa isang araw (Martin).EDVM

fuckyeahemirHindi tuloy nakapagtataka ang mahahabang mga pila sa mga stasyon, lalo na tuwing rush hour. Halimbawa, kailangang dumaan ng pasahero sa security check. Kadalasa’y inaabot ng labinlimang minuto, mula sa dulo ng pila hanggang sa kinatatayuan ng mga gwardiya, bago ma-inspect ang bag at makapasok sa platform area. May dalawa o tatlong beses kasing hindi muna magpapapasok sa loob. Maririnig sa mga loudspeaker ang mga salitang, “Northbound, stop muna. Puno na ang platform.”EDVM

fuckyeahemirPagkatapos lumusot sa pagtusok-tusok ng mga gwardiya ang bag, kailangan ulit pumila sa mga tanda kung saan tumitigil mismo ang mga pintuan ng mga tren. Mahahaba na nga, sala-salabat pa kung minsan ang mga pilang ito. Nakakalito kung saan papuntang pinutan ang pinilahan, sa kaliwa ba o sa kanan? Aabutin ulit tuloy ng labinlimang minuto at tatlong tren bago makakapasok ang isang pasahero. Kaya ang 15 minutong biyahe, inaabot ng 45 minuto.EDVM

fuckyeahemirAng mga pila sa labas, nagiging siksikan at tulakan naman sa loob ng tren. Magkabali-bali man ang buto, matupi man ang tiket na gagamitin paglabas ng stasyon, maipit man ang bag o kamiseta sa pintuan, ang mahalaga’y nagkasya at hindi pinababa. Kahit na mistulang puno na ang tren, nagagawa ng mga pasahero sa loob na maglaan ng espasyo para sa mga papasok ng tren. Nakakasawa rin naman kasing maghintay. Bahala na rin kung nasa harap. Ayaw kasing umurong sa gitna ng mga pasaherong atat lumabas, muli dahil sa tagal nang hinihintay. At okay lang na hindi matamaan ng aircon.EDVM

fuckyeahemirMahirap igalaw ang katawan, kahit para abutin man lang ang mga hawakan. Pag may isang bumangga, domino effect ang labas niyan. Ang masaklap pa’y hindi lahat ng aircon gumagana. Tagaktak tuloy ang pawis ng mga mananakay. Maghahalo-halo ang amoy ng mga yan hanggang sa mangamoy-hipon na ang lahat paglabas. Salamat sa pagiging overcapacity ng MRT kaya nangyayari ang mga ito.EDVM

TIRIK TRENEmir

fuckyeahemirNapapadalas na rin ngayon ang pagkasira ng mga tren habang nagbibiyahe, senyales marahil na higit sampung taon na ang tanda ng mga ito. Sa mga hindi pa nakakasakay ng tren, humahaba lalo ang mga pila at tumatagal ang oras na hinihintay. Sa mga nakasakay naman, maaaring hindi lang paghihintay ang problema.EDVM

fuckyeahemirHalimbawa, pagkasakay galing Guadalupe: hindi man lang nakapasok nang tuluyan ang tren sa susunod na stasyon nang bigla mamatay ang makina nito. Sampung minuto yata kinapos sa hangin at hindi makagalaw ang mga pasahero bago umurong nang marahan uli ang tren. Aakalaing makakabiyahe na ulit. Yun pala, sasabihin ng drayber, “Hindi na po safe ang tren na ito. Bumaba na po lahat ng mga pasahero. Sumakay na lang sa susunod na tren.”EDVM

fuckyeahemirWala nang mas sasaklap na sumpa sa “nakasakay na nga, pabababain pa.” Maliban na lang kung puno rin yung mga dumaang tren. Kaya malamang, maghihintay tuloy ang isang mananakay ng tatlo o apat na tren uli. Dagdag oras na naman ang nasasayang.EDVM

fuckyeahemirIsa pang halimbawa: hanggang Shaw Boulevard lang ang sinasakyang tren dahil may tumirik na tren sa harap nito. May hahabulin man ang mananakay o wala, ma-oobliga siyang sumakay ng bus. Dagdag gastos na nga, dagdag perwisyo pa dahil sa trapik.EDVM

fuckyeahemirPero maswerte na rin ang mga pasaherong ganyan ang naging kapalaran. Paano na lang yung mga bubulagain ng “Temporarily Closed. No Revenue”? Teka, tama bang sabihing “No Revenue samantalang tila delubyo ang mga taong tumatangkilik sa MRT kada araw. Sa halip tuloy na makatipid, mapapagastos lalo ang mga sawimpalad. PhP 12 na nga mula Guadalupe hanggang Quezon Avenue, magiging PhP 46 pa. At imbes na isang tren lang, dalawang bus ang kailangan sakyan.EDVM

BUKAS PA RIN ANG LOOPEmir

fuckyeahemirBinubuo ng labing-tatlong stasyon ang MRT, mula sa Quezon City hanggang sa Pasay. Nakakabit ang pinakadulong stasyon sa timog, ang Taft Avenue, sa EDSA station ng Light Rail Transit (LRT) Line 1 sa pamamagitan ng isang walkway. Sa orihinal na plano, i-e-extend dapat ang MRT pa-hilaga hanggang sa umabot ito sa Monumento, na noo’y pinakahilagang stasyon ng LRT Line 1. Subalit, hindi ito natuloy.EDVM

fuckyeahemirSa halip, ang LRT Line 1 ang pinahaba hanggang sa dulo ng MRT sa North Avenue. Sa ilalim ng proyektong “Closing the Loop” ng administrasyon ng dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo, dalawang stasyon ang itinayo sa hilaga ng Monumento at isang central station naman ang itatayo sa harap ng SM City North EDSA, ilang lakad na lang ang layo mula sa MRT (“Philippines: Seamless Rail Travel”). Dalawang taon nang bukas ang stasyon sa Roosevelt at Balintawak, na parehong nasa Caloocan. Pero ang stasyon sa may SM, kahit mga poste man lang, wala pa rin hanggang ngayon. Ang huling balita ay pinag-aaralang muli ng Kagawaran ng Transportasyon at Komunikasyon kung saan ilalagay ang central station. Sabi nga ng Kalihim Jun Abaya, maaari daw itong ilipat sa may Trinoma o sa Malvar sa Caloocan (Amojelar). Tila wala nang katapusan ang mga pag-aaral na yan.EDVM

fuckyeahemirDahil dito, umaabot sa PhP 35 ang gagastusin ng isang pasaherong gagamit ng tren mula Guadalupe papuntang Monumento: PhP 12 mula Guadalupe hanggang North Avenue sakay ng MRT, PhP 8 mula sa SM North hanggang sa Roosevelt sakay ng dyip, at PhP 15 mula Roosevelt hanggang Monumento. O kaya PhP 26 sumatotal kung sasakay sa MRT papuntang Taft Avenue (PhP 11), lalakad, tapos sasakay sa LRT papuntang Monumento (PhP 15). Mukhang sulit pa rin naman kaysa sumakay sa bus. Pero hindi dapat kalimutan na kaakibat niyan ang mahahaba at maraming pila, lakad, at pati oras, na nasasayang sa paghihintay at sa walang lohikang pag-ikot, na lalo lang magpapalayo ng pasahero sa kanyang destinasyon.EDVM

TAASAN ANG PASAHE?Emir

fuckyeahemirMay mga panukalang itaas ang pamasahe sa MRT. Ang huli’y naganap noong Oktubre ng nakaraang taon. Ayon kay Kalihim Abaya, umaabot ng PhP 60 ang gastusin bawat pasahero para maisakay siya mula North Avenue hanggang Taft o pabalik. PhP 45 kasi nito ang binabayaran ng gobyerno, samantalang PhP 15 lamang ang binabayaran niya mismo. Balak ng mga nakakataas na babaan sa PhP 35 ang subsidy sa bawat pasahero, kaya’t kailangan niyang saluhin ang nalalabing PhP 10 (“Abaya confirms”).EDVM

fuckyeahemirKahit na inanunsyo rin ni Abaya na posibleng PhP 6 na piso na lang ang maaaring itaas ng pamasahe pagkatapos ng ilang araw (“MRT-3 fares”), marami pa rin ang tumutol dito. Andyan na ang karaniwang tugon na “pasakit sa masa yan” at “hindi naman publiko ang makikinabang diyan.” Pero may mga sumagot rin na gaya ng isang nakapanayam ng isang morning show tungkol sa isyung ito, “Sa tingin ko, mas i-improve muna nila yung serbisyo nila bago nila itaas yung pasahe ng MRT.” Ito rin ang katwiran ng mga pabor naman sa fare hike. Sa bagay, kailangan naman ng pondo para makabili ng panibagong mga tren at maisaayos ang mga sirang escalator at elevator, pati na rin ang mga banyo sa mga stasyon (“Tweet Thursdays”).EDVM

fuckyeahemirKung ano man ang mangyari sa pasahe, sana mawala na o mabawasan man lang ang mga pila’t siksikan. Oo, mura kung tutuusin sumakay ng MRT. Pero hindi naman matatawag na sulit ang araw-araw na mahuli sa paaralan o sa trabaho. Sayang ang oras at pera na maaari sanang gamitin para sa mga produktibong gawain pero napupunta lang sa walang katapusang paghihintay.EDVM

Sanggunian:Emir

“Abaya confirms P10 fare hike in MRT-3 in 2013.” Rappler. Rappler, 22 Okt. 2012. Web. 27 Abr. 2013.

Amojelar, Darwin. “DOTC to choose among 3 possible sites for common train station.” Interaksyon. TV5, 9 Jan. 2013. Web. 27 Abr. 2013.

Martin, Kathleen. “MRT 3 to acquire more train coaches.” ABS-CBN News. ABS-CBN Corporation, 13 Peb. 2013. Web. 27 Apr. 2013.

“MRT-3 fares may go up by only P6 – Abaya.” ABS-CBN News. ABS-CBN Corporation, 06 Nob. 2012. Web. 27 Apr. 2013.

“Philippines: Seamless Rail Travel in Metro Now Possible.” Asia News Monitor 26 Peb. 2010. ProQuest. Web. 27 Abr. 2013.

“Tweet Thursdays | Is 6 pesos reasonable for an MRT, LRT fare hike?” Interaksyon. TV5, 8 Nob. 2012. Web. 27 Abr. 2013.