CASE DIGEST: Ferdinand R. Marcos, Jr. v. Republic of the Philippines [G.R. No. 189434, March 12, 2014]

Advertisements

So, you qualified for law school. Ano na?

Preparing for every class includes, especially if you live far from the school, getting there before everyone else.

Ilang araw lang ang nakaraan, lumabas na ang unang listahan ng mga pumasa sa UP College of Law para sa susunod na taon, 2016-7. Sa mga pumasa, binabati ko kayo. Sabi nga ng blockmate ko, “Congratulations! The easiest part is over.” Hindi biro ang pumasa sa LAE. Sa mga hindi nakasama sa listahan, kapit lang. May pag-asa pa sa interview.

Now that you have passed the first step, you may be excited to enter the UP College of Law, or law school in general. But have you asked yourself: Why am I taking up law? Why would I spend the next 4 or 5 or more years in law school? 

Hindi biro ang mga tanong na ito. Dahil kung hindi malinaw ang sagot para sa iyo, baka madali kang sumuko. Sa block namin, pito o walo na ang umalis. Akala ko isa doon ang tatagal. Akala ko ako ang aalis. Inaamin ko, muntik na akong tumigil noong huling semestre. Bawat umaga noon, nagigising na lang ako nang nasusuka sa takot. Humina ang aking ganang kumain. Sa apat na taon ko sa kolehiyo, 65 kilograms ang aking timbang. Nang matapos ang unang semestre ko sa Law, nabawasan ako nang limang kilograms. Sabi nga ng isa ko pang blockmate, “They don’t call it Malcolm Hell for nothing.”

The first year is part of the screening process. It is a test of your wit and will. It is easy to leave and hard to stay. But I stuck to it, and I am still sticking to it. I’d like to think that my reasons for staying in law school are strong enough to drive me to stay. Ultimately, that is the most important point, whatever your reason may be. The study of law requires a lot of sacrifices. So you must know why you choose to go through all of these. So you have something to tell yourself whenever you feel like giving up.

Meet my block, C2019. They have kept me sane and hopeful so far. (Source: Clarisse Valdecantos)

Kailangan niyo ring pag-isipan kung handa ba kayong magsakripsyo para sa iyong mga makakasama. You will all be in a collective miseryKakailanganin niyo ang bawat isa. Hindi lang para sa pag-aaral, para maligtas sa recit at sa finals, kundi pati para mapanatiling malinaw ang inyong mga isip at damdamin.

No human is an island, as the saying goes. You don’t have to battle it out by yourself. That was the most important lesson I realized this year. I wish I could tell you more, but I have little time right now for that.

If you have decided to continue on, my blockmate suggests, “Load up on sleep while you can.” Or, as how another puts it, “Sleep now or forever hold your eyebags.”

Finally, I ask you a favor, please pray for us, those who passed before, for the struggle is far from over.

I could be wording this better, but I have little time on my hands right now. I’ll edit this sometime in the future.