From ask.fm: ano ang sikreto para maging summa cum laude?

Answering this on my blog instead, para pwede ko siyang baguhin sa paglipas ng panahon. Question from here.

If I told you, it wouldn’t be a secret anymore. Joke lang, okay lang namang malaman siya ng iba e.

First of all, you have to settle some very important questions. Gusto mo bang makuha ang summa cum laude? Willing ka bang magsakripisyo at magsikap para makuha yun? But, more importantly, you need to know for whom or for what you’re doing it for. Parang Nescafe yan e, “Para kanino ka ba bumabangon?” Wala kasing drive o gana para matamo ang isang goal kung di mo naman alam kung bakit o para kanino mo siya inaalay. Para lang ba sa iyong sarili, o sa pamilya, para sa mga kaibigan, o sa bayan?

Once you commit yourself and once you know who or what you’re doing it for, the next step involves exercising discipline. Hindi pwedeng pabandying-bandying (yan ba spelling nun?) lang at i-ka-cram ang assignment kapag malapit na ang deadline. Lalo na kung kailangan ng research and analysis. Sa Public Ad (na kursong natapos ko), kailangan laging kumuha ng impormasyon mula sa pamahalaan at iba’t ibang organisasyon para sa reports at end-of-sem papers. Kaya simula pa lang ng sem, dapat makapag-submit ka na ng request letter sa resource person. Dapat makapag-interview o makuha mo na yung papers sa gitna ng sem para makapag-analyze o makapag-adjust sa topic kung di nila pwedeng ibigay yung kailangan mo.

Hindi rin magandang nag-ka-cram. Turo nga sa psychology, “forgetting is greatest after learning.” Kung kaya mong gawin, regular pag-aralan at intindihin ang notes. Don’t just memorize, rather understand. Mas malinaw kung makakapag-connect the dots ka, applying theory to practice. Pinakamaganda mag-aral sa umaga, pero dapat kumain muna ng agahan. As for study tips, I highly recommend Ms. Gabi Timbancaya’s answer.

Third, adjust accordingly. Kung mukha mang hindi mo makukuha ang pagiging summa, huwag mag-alala at sumuko. Ilang beses na itong nangyayari sa akin, kaya nirerebisa ko ang aking expectations. Meron ngang isang sem na sinabi kong magiging magna (at hindi summa) ako. Be realistic. If the people to whom you dedicate your all expect too much from you, talk to them and let them understand what you’re going through.

Kung may balak ka ring sumali at magsikap sa mga organisasyon at aktibidad sa labas ng acads, o kaya magkaroon ng love life, kailangan mo ring mag-adjust. Let them know and understand what you’re aiming for. They will understand. Know your limits and recognize your potentials. (At least my organization did. Will never know from my “forever” though. Wala e. Haha. Ang corny pala.)

However, don’t compromise honor in the pursuit of excellence. Work hard for your grades, don’t beg for them. Don’t cheat your way. And don’t treat grades or being a summa as an end in itself, but only as a means to some greater end.

Fourth, relax a little. Nakakaburnout kung di ka magbibigay ng space para mag-enjoy. Kumanta at iparinig sa buong madla, magbasa ng nobela o story sa Wattpad, manood ng drama o kaya cartoons, maki-update sa mga nangyayari sa social media, mag-exercise. But don’t unwind too much. Remember that you’re aiming for something. Kaya ayoko ring sundan ang Game of Thrones e. Baka once I start, I would not be able to stop. Haha.

Lastly, don’t let being a summa cum laude define who you are. Rather, be a good person, child, relative, colleague, friend, citizen, and leader in the best way that you can.

Para sa anon na nagtanong, thank you for asking. 🙂

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s