Paano mag-apply ng university clearance at transcript sa UP Diliman kung bagong graduate ka

Kung binabasa mo ito, congrats at natapos mo ang apat (o mahigit) na taong pagsisikap, pagpupuyat, pagkabigo, at sa huli pagtatagumpay! Pero bago sumuong sa mundo ng mga samu’t saring pagsusulit, trabaho, at muling pag-aaral, kailangan muna nating makuha ang ating transcript, at para makuha iyon, kailangan nating makakuha ng university clearance. Pupunan ko lang ang mga gap o puwang ng proseso ayon sa CRS.

Ano ang dapat dalhin:

1) Clearance application form mula sa CRS

2) P30 para sa clearance fee/Diploma Authentication o ang official receipt nito kung nabayaran na (Kung nagdududa kayo na pareho sila, ikumpara lang ang account number na nasa gawing kaliwa ng resibo [9774711] sa nakalagay sa clearance form).

3) P300 para sa graduation fee o ang official receipt nito kung nabayaran na

4) P600 para sa tatlong kopya ng Transcript of Records (Pero ganun din ang siningil sa kaibigan kong dalawang kopya lang ang kinuha, kaya hindi ko alam kung paano i-bre-breakdown ang bayaring ito).

5) Optional: Certificate of Graduation, P30 bawat kopya

4) Pasensya

5) Optional: Tubig at snacks, pamasahe sa Toki

Paano mag-apply ng clearance at transcript:

* Kung may accountability, hindi pwedeng mag-apply. Ayusin muna sila.

1) Mag-apply sa clearance module sa CRS (https://crs.upd.edu.ph/clearance_mgmt)

2) I-print ang form, i-fill up yung year graduated at degree sa baba ng Last enrollment in UP (kung hindi pa nakalagay), at pirmahan.

Sample clearance application form

Sample clearance application form

3) Dalhin ang form sa clearance section, 1st floor, OUR at ibigay sa person-in-charge. Ipiprint niya sa likod ng “I promise to check my clearance application at CRS” (non-verbatim). Kailangan pirmahan yun. Kung nabayaran na ang clearance at graduation fee, ipakita sa kanya ang official receipt at isulat ang O.R. Number, amount, at date, sa clearance application form.

4) Pumunta sa 2nd floor ng OUR, Transcript section, at kumuha doon ng application form para sa Transcript at Certificate of Graduation. Pagtiyagaan ang mahabang pila at ipa-assess kung magkano ang babayaran.

5) Pumunta sa Cash Office gamit ang Toki, sasakyan, o paa para bayaran ang mga dapat bayaran.

6) Bumalik sa Clearance section, 1st floor, OUR para ipakita ang resibo ng clearance at graduation fee (kung di pa nabayaran bago ang step 3) at para print-an sa likod (kung di pa na-print-an sa step 3).

7) Umakyat ulit sa Transcript section, 2nd floor, at i-file ang application sa TOR kasama ang resibo. Magtiyaga ulit sa pila habang naghihintay.

8) Bumaba ulit sa clearance section at ipasa ang clearance application form.

I-check lagi ang status ng clearance application sa CRS module (https://crs.upd.edu.ph/clearance_mgmt).

University Clearance module sa CRS

Cleared status. Tawag na lang sa (632) 981-8500 loc. 4561, 4562 o (632) 927-3422 (Transcript section) para malaman kung nai-forward na yung clearance certificate niyo sa Transcript section.

Samanatala, makukuha pagkatapos ng 15 working days ang transcript at ibang request. Kung ibang tao ang mag-cla-claim ng transcript, maghanda ng authorization letter, ID mo, at ID ng representative. Ganun din ang gawin kung ibang taon ang mag-a-apply ng transcript.

Congrats muli at good luck!

UPDATE (10 Hunyo 2016): 

Oo nga pala, hangga’t hindi pa nagaganap ang pagtatapos o graduation, hindi pa pwede mag-apply para sa transcript.

Halos isang buwan din ang lumipas mula nang mag-apply ako hanggang sa makuha ko ang aking transcript.

IMG_0098 - Copy.JPG

Claim stub. Paki-tignan ang mga nakapaloob sa mga rectangle.

Advertisements

One thought on “Paano mag-apply ng university clearance at transcript sa UP Diliman kung bagong graduate ka

  1. Pingback: Paano mag-apply ng university clearance at transcript sa UP Diliman kung bagong graduate ka | Moved to emirvmendoza

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s