Karagdagang tips para sa preenlistment

Disclaimer/Paunawa: Hindi po bahagi ng CRS team ang may-akda. Isa lamang siyang di hamak na Isko.

Tingin mo ba lagi kang malas sa CRS? Naka-ilang post ka na ba ng “I ❤ CRS” sa Facebook para lang makuha ang inaasam mong sched? Sinunod mo ba lahat ng payo ni Bb. Mary Macapagal tungkol sa “preenlistment at pag-ibig”  pero bigo ka pa rin? (Kung di mo pa nababasa, basahin mo rin yun.)

Huwag mawalan ng pag-asa, pagka’t may magagawa ka pa. Narito ang ilang mga tip pagdating sa preenlistment:

1. Wag balewalain ang Available Slots / Demand

Image

Nakikita niyo ba yung mga numero sa ibaba ng bawat subject na desired niyo/gusto niyong makuha? Yan ang “Available Slots / Total Slots / Demand.” Halimbawa, sa Socio 11 THX, 83 estudyante kayong naglalaban-laban para sa 30 puwang/slot. Sa Socio 11 WFX naman, 70 kayong pumupusta para sa 30 slot.

Pwede niyong gamitin ang probability na makukuha niyo ang inaasam na slot. I-divide lang ang “Demand” sa “Available Slot”. Pwede niyong gawin sa Excel o sa kahit anong spreadsheet program yan:

Image

Sa Socio 11 THX, may 0.36 kang pagkakataon na makakuha ng slot. Malaki nang kaunti ang iyong tsansa/chance sa Socio 11 WFX. Gawin yan sa lahat ng iyong mga desired subject:

Image

Pwede mo ngayong gamitin ang mga probability sa pagsasaayos ng iyong mga subject. Pwede mong i-bold lahat ng mga subject na gusto mong makuha sa darating na sem at swak sa minimithi mong sched. Ang ginagawa ko, inuuna ko yung mga subject na kailangan kong makuha, tapos aayusin ko sila base sa probability na makuha ko sila. Tapos iaayos ko yung ibang hindi ko pa kailangan base sa probability na makukuha ko siya at sa oras ng subject na yun.

2. Move on, move on din habang may time.

Image

May mga pagkakataong mas mabuting umasa. Meron ding mga pagkakataong mas mabuting wag nang umasa. Halimbawa, sa STS THX, 655 kayong nagpapatayan sa 100 slot. May 0.15 kang tsansang makakuha ng slot. (Sa bagay, mas malaki pa yan kesa kung 1000+ yung nagsasagupaan.) Hindi lang puro “Regular” na priority ang naglalaban diyan. Meron ring mga “Freshman” o “Graduating” sa 655 na yan. Mas malaki ang pagkakataon nilang maka-bingo ng slot. Paano pa kung hindi mo natapos ang SET?

Siguro oras na para bitiwan ang mga ganitong subject sa pre-enlistment pa lang. Lalo na kung second round na ng preenlistment, kung saan 1 o 2 slot na lang ang pinag-aagawan.

3. Laging bantayan ang estado ng mga subject na gusto mong makuha.

Di mo lang alam, baka nagbukas ng bagong section 30 minuto lang bago magsara ang preenlistment. O kaya na-dissolve ang isang section at nagbukas ng panibago pero hindi nalipat yung mga nag-desire sa na-dissolve na klase, tulad nito:

Image

4. Wag ipagpilitan ang hindi talaga meant to be.

Sayang lang kung i-de-desire mo pa rin yung mga klase na kailanma’y hindi pwede sa iyo. Gaya nito:

CRStips6

Kung non-Psych kayo, wag niyo nang i-desire yung klaseng sa mga Psych major naka-assign lahat ng slot. Ganyan din para sa mga Psych major: wag nang i-desire ang klaseng hindi naman para sa inyo.

Tignan din kung may prereq ang isang subject, pero di mo pa yun nakuha. Kunin mo muna ang prereq.

5. Tignan ang “Grades Viewing” module para makita ang resulta ng batch run.

Hindi mo na mabuksan ang CRS. Yun na ang hudyat na nagaganap na ang batch run. Pero pagbalik ng CRS, sarado pa rin yung preenlistment module. Malamang, nagtatago yung mga resulta sa Grades Viewing module, sa ilalim ng nakaraang semstre.

BAGO! 6. (Pagkatapos ng first batch run) I-“desire” ang mga subject na kailangan/gusto mong makuha kahit na wala (“0”) nang available slot.

Tapos na ang first batch run. Di mo nakuha yung major, prereq, PE, o GE.  Pagkakita mo sa CRS, wala nang available slot para sa subject na yun. Huwag matakot, pwede mo pa ring makuha ang mga yan. I-desire niyo lang sila at bigyan ng pinakamataas na rank. Diskarte mo kung alin sa mga subject na yun ang ilalagay mo sa number 1. Pwedeng depende sa kahalagahang makuha mo yung subject (baka ma-delay ka pag di mo nakuha yun), sa demand, sa oras, sa propesor, atbp. Ganito ko nakuha yung Psych 101 noong isang taon.

PAALALA: Hindi nagkakasalungat ang tip na ito sa tip #2. Kung 700+ ang naglalaban para sa isang klaseng hindi naman sigurado kung may mababakanteng slot pagkatapos ng second batch run, huwag na muna kayong tumaya. Saka na lang, pag may priority status ka na.

Tignan din: Bakit hindi pwedeng magkansela ng klase pagkatapos ang pangalawang batch run.

Yan na lang muna. Antabayanan ang mga karagdagang tip. Gudlak! 🙂

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s